Monday, August 15, 2016

PORK BINAGOONGAN o BINAGOONGANG BABOY


ay ito masarap na mura pa, madali pang gawin. Meron po sa atin na niluluto sa gata, meron pong nilalagyan naman ng kamatis at talong. Ito po ang pinaka simpleng recipe. At pinaka base ... mamaya po ang Binagoongan sa gata. 

Sangkap:

1 pound pork belly (cut into cubes or bite size)
2 onions
1 clove garlic
1 cup of bagoong alamang (shrimp paste)
Vinegar
1/2 Cup Water
Pepper and Salt to taste

Paraan:

1) Igisa po natin ang sibuyas at bawang hanggang maging mabango at maging mapusyaw ang kulay ng sibuyas.

2) Idagdag ang pork, haluing mabuti. Pagkaraan ng 5 minutes, pwede na pong ihalo ang bagoong alamang.

3) Hayaan pong maluto at kumulo ng mga 10 minutes. Idagdag ang tubig, haluing muli. Ihalo ang suka ... huwag po munang haluin hanggang hindi ito kumukulo.

4) Kapag kumulo na, timplahan ng naaayon sa inyong panlasa ng asin at paminta. Tapos! 


Video Tutorial


1 comment:

  1. Lucky Club: Online Casino Sites | List of all Casino - Lucky Club
    Play online casino games with a 100% luckyclub.live up to €/$ 200 bonus. Play online slots with the biggest jackpots and the biggest jackpots at the largest

    ReplyDelete

Author