Monday, August 15, 2016

BEEF POCHERO


Sangkap:

1/2 kilo beef cut into cubes (select a cut good for stewing)
1 small head of a cabbage quartered
1/4 kilo Chinese cabbage (pechay)
2 medium sized potatoes quartered
5 plantains o saging na saba peeled and sliced in the middle
1 big can pork and beans
1/2 cup tomato paste
2 cups water
1 small onion sliced
3 cloves garlic minced
salt and pepper to taste

Paraan:

1) Prituhin muna po ang saging hanggang maging brown. Hanguin at Itabi.

2) Igisa ang sibuyas at bawang hanggang bumango ito. Idagdag ang karne ng baka. Lutuin hanggang maging kayumanggi o brown ang kulay. Budburan ng asin at paminta.

3) Ibuhos ang tomato paste at tubig. Haluin at pakuluin. Hinaan ang apoy LOW-MEDIUM heat at takpan hanggang lumambot ang karne.

4) Kapag lumambot na po ang karne, idagdag na po ang patatas. Hayaan pong lutuin hanggang lumambot din po ang patatas. Kapag lumambot na ang patatas, ihalo na rin po ang mga gulay, pork and beans at saging na prinito sa ibabaw at takpan hanggang kumuluntoy ang pechay at haluin na ito ng dahan dahan upang matakpan ng sauce ang mga gulay. Tapos na po ito! 


Video Tutorial

No comments:

Post a Comment

Author